Thursday, January 01, 2004

play in progress: isa pa para kay alan

Here's the beginning of a Tagalog language play I'm working on. As you can see, the decriptions and stage instructions are very bare bones. When I begin writing, the priority is to get the flow and characterization right. Everything else is more or less cosmetic.

Here we are introduced to three of the five dramatis personae.


Tagpo

Sa roofdeck ng isang condominium sa Ortigas Center

Oras

Lampas alas once ng gabi.


(table, 5 settings, drinks, WINSTON alone drinking. Medyo may tama na siya. Pasok JOSHUA.)

JOSHUA:

Winston?

WINSTON:

Joshua? Ikaw ba yan?

JOSHUA:

Oo.

WINSTON:

Pare! Akala naming di ka na darating!

JOSHUA:

Na-delay yung flight ko, sorry, sorry. Kanina pa kayo?

WINSTON:

Hindi naman. Medyo. Ay, sorry, ha? Sinimulan na namin. Teka, anong gusto mo?

JOSHUA:

Kahit ano. Anong meron? (removes wine bottle from bag)

WINSTON:

Gin, vodka, beer…

JOSHUA:

Beer muna. O, eto.

WINSTON:

Ano to?

JOSHUA:

Merlot. Masarap yan. May apat pa ako ditto.

WINSTON:

Wow, okey to, a. Mukhang mahal. Sympre, ikaw pa.

JOSHUA:

Di naman. Okey lang. Nasaan sila?

WINSTON:

Si Eileen nag-CR lang. Doon banda sa may pool. Si Dennis bumaba, kumuha ng ice sa unit niya. San Mig o hard?

JOSHUA:

Beer muna.

(abot beer)

JOSHUA:

Uy, ano to?

WINSTON:

Strong Ice. Okey yan.

JOSHUA:

Wala pa nito sa KL. O, tagay.

WINSTON:

Tagay.

(inom)

WINSTON:

Alam mo, pare, halos hindi kita namukhaan kanina. Ibang-iba ang itsura mo. Ang laki mo na, a!

JOSHUA:

Di naman.

WINSTON:

Serosyo, pare. Para kang bouncer. Gym, ano?

JOSHUA:

Konti. Walang masyadong magawa kasi pagtapos ng trabaho. Wala akong masyadong kaibigan doon. Kaya, eto.

WINSTON:

So binuhos mo ang sama ng loob sa gym.

JOSHUA:

Parang ganon na nga.

WINSTON:

Tagay!

JOSHUA:

Tagay!

WINSTON:

Naku, mashashock si Eileen. Pero okey, okey lang. Bagay say o.

JOSHUA:

Salamat. O, kamusta ka na?

WINSTON:

Eto, medyo lasing na. Tagay!

JOSHUA:

Tagay!

WINSTON:

Tagay!

(tawa at inom)

Wala, ganon pa rin. Mahina negosyo. Patay ang web design. Di tulad ng dati.

JOSHUA:

Hmm?

WINSTON:

Mga freelancer kasi, pare. Mga gagong freelancer. Yung mga kalaban sa bidding. Biruin mo, minsan, may project dyan sa Galleria. Teka, alam mo bang kita mo ang Robinsons dito?

JOSHUA:

Talaga? Siguro nga.

WINSTON:

Kita mo. Halika, halika, doon banda.

JOSHUA:

Okey lang. I believe you.

WINSTON:

Hindi, dyan lang, o. Kung tumayo ka doon, nakikita mo. Pati yung hotel. Pati Megamall.

JOSHUA:

Sige, sige. Tapusin mo yung kwento mo.

WINSTON:

Sorry, sorry. Tagay muna!

JOSHUA:

Tagay!

(tawa at inom)

JOSHUA:

Yung kwento mo?

WINSTON:

Kwento ko, kwento ko. A, medyo okey yung project, hindi gaanong malaki. Anyway, ang bid ko, 60 thousand, maliit lang naman na website, di ba?

JOSHUA:

E si freelancer?

WINSTON:

Si hinayupak na freelancer? Hulaan mo.

JOSHUA:

Um, 40?

WINSTON:

Baba.

JOSHUA:

30?

WINSTON:

Baba pa.

JOSHUA:

15 thousand?

WINSTON:

Sampung libo! Can you imagine?

JOSHUA:

Shit.

WINSTON:

Shit talaga! Paano ka naman lalaban sag anon, di ba? Impossible!

JOSHUA:

Di ba bawal yun?

WINSTON:

Dapat bawal! E hindi man lang sila kompanya.

JOSHUA:

Shit.

WINSTON:

Shit talaga.

(inom. Enter EILEEN. Tayo si WINSTON.)

WINSTON:

Eileen! You’ll never guess who this is!

EILEEN:

Ha?

WINSTON:

Hulaan mo kung sino to!

EILEEN:

Ha? Ewan.

WINSTON:

See? I told you, man.

(tawa si WINSTON: at JOSHUA:)

EILEEN:

Hi, I don’t know you at lasing na tong boyfriend ko. I’m Eileen, friend ka ba ni Dennis? Cute ka.

(tawa lahat)

JOSHUA:

It’s me, Joshua.

EILEEN:

Ha?

WINSTON:

O, sabi ko sa yo, hindi ba?

EILEEN:

Joshua?

JOSHUA:

Oo.

EILEEN:

Joshua?

JOSHUA: (tawa)

Oo.

EILEEN:

Putang ina mo! Ang ganda mo! (yakap)

JOSHUA:

Salamat.

EILEEN:

Di nga! Ang juicy juicy mo! Diyos ko! Crushable ka sa itsura mong yan! Paano ka lumaking ganyan? Anong kinakain mo sa May-lay-si-ya? Siguro nagstesteroids ka, ano?

JOSHUA:

Hindi, a! Lungkot at exercise lang.

EILEEN:

Tagay! Tagay! Hoy, jowa, asan ang drinks ko?

(abot drink)

EILEEN:

Tagay!

WINSTON at JOSHUA:

Tagay!

EILEEN:

Syet talaga. Para kang Masculado.

WINSTON:

Paano naman niya malalaman kung sino yung mga Masculado? E ilang taon na siya sa-

EILEEN:

Shaddap.

WINSTON:

Honey, he can’t-

WINSTON:

Shaddup.

JOSHUA:

Actually, kilala ko kung sino sila.

EILEEN:

See?

WINSTON:

Talaga? Paano?

JOSHUA:

Hindi naman ibang planeta doon, no? Tatlong dura at walong yosi lang ang distanya ng Manila sa KL. At may internet naman.

WINSTON:

Ha?

EILEEN:

Winston, shaddup. Wag mo nang subukang intidihin. All he means is he’s never too far away, di ba?

JOSHUA:

Exactly.

EILEEN:

Give me a drink and hurry now, you!

JOSHUA:

Tagay!

EILEEN:

Teka, kita mo naming wala akong hawak no? Hoy, bilisan mo!

JOSHUA:

Sorry, sorry.

WINSTON:

Sorry.

EILEEN:

I forgive you and I ask the same of you. O, di ba, “I’m only human”?

(tawa)

EILEEN (to WINSTON):

Tawa-tawa ka diyan, where’s my drinks?


EILEEN (to JOSHUA):

At ikaw, patinggin nga nang braso at pecs mo. Tanggalin ang jacket. You’re in Manila now.

(tawa. JOSHUA removes jacket. WINSTON gives EILEEN a drink.)

EILEEN:

Ayan, better, di ba? Now we tagay, already, right?

WINSTON at JOSHUA:

Tagay!

(inom at tawa)

EILEEN:

Matigas ba yang arms mo? Minsan lang kasi akong ma-close proximity sa hunky guy. Tingnan mo naman ang jowa ko, mukhang durugista sa kapayatan.

WINSTON:

Hoy, pero mataba naman where it counts.

(JOSHUA tawa)

EILEEN:

In fairness, oo nga naman. Kayak o siya labs. Dako.

WINSTON:

Ta-gay!

EILEEN: and JOSHUA:

Tagay!

(inom at tawa. EILEEN touches JOSHUA’s biceps.)

EILEEN:

Wow, parang Superman. Hawakan mo, hon.

WINSTON:

Teka, teka.

EILEEN:

Halika na, hawakan mo. Ito naman, biglang pa-demure.

WINSTON:

Ayaw.

EILEEN:

Bayot.

WINSTON:

Ha?

EILEEN:

Bingi. Hoy, Josh, kamusta ka na?

JOSHUA:

Eto. Sorry late ako, ha?

EILEEN:

Akala naming-

WINSTON:

Sinabi ko na.

EILEEN:

Shaddup.

WINSTON:

Sorry.

EILEEN:

Sorry.

WINSTON:

Sorry.

EILEEN:

Sorry.

(halik)

JOSHUA:

Sweet naman, nakakainggit.

EILEEN:

Gusto mo, join ka. (tawa) Yuck, naging sex party bigla.

JOSHUA:

Kayo talaga.

EILEEN:

Nakita mo na si Dennis?

JOSHUA:

Hindi pa.

EILEEN (to WINSTON):

Hoy, sweetie. Text mo naman si Dennis. Kanina pa yon, a. Baka nakatulog na sa freezer niya.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home