Thursday, October 07, 2004

masayang gulay

Nakakapanibagong pakiramdam ang magpalipas ng buong araw na walang text message, walang tawag ng kliente, walang miting at walang iskedyul. Iniwan ko ang aking cel sa Maynila; kaya sayda naman itong pagkabingi (at yung pagkabulag ng isang mata ko ay gumagaling na - dahil sa walang sawang mainit na tuwalyang inilalapat ko sa agrabyadong mata).

Tahimik at maaliwalas dito, kaya parang masarap magsulat. Sa gabi, ang buan lang ang aking nakikita. Halos walang mga tala. Dadilim at nakakaenganyong magisip ng mga kewntong nakakatakot, o do kaya'y mga kwentong malungkot (hindi naman sikretong wala akong pasensya sa mga kwentong masasaya ang mga ending). Dala ko naman ang laptop, kaya nagbabalak na akong magsimula.

Kaso lang, siyempre, kailangang makisama. Kaya eto, pakilala dito, pakilala doon, kanta dito, kanta doon, kain dito, kain doon - sa tingin ko baliktad kami ng dating ni Jason (siya'y paliit, ako'y palobo). Lumalabas ang tanging pagka-Pilipino ko; kahit na alam kong hindi ko kayang ubusin ang mga dambuhalang order ng pagkain sa mga resto dito, order pa din (kasi pwede namang ipabalot at papakin sa gabi). Natatawa nga ako kasi pati yung half-and-half creamers pinagisipan ko kung kukunin ko lahat (pero hindi ko pinatulan ang tisyu paper ha). Sa ilang ulit kong pagbabalik sa America, hindi nagbabago ang ugali kong Pinoy (gustong iuwi ang lahat!).

Para akong gulay. Okey kahit saan dalhin, walang opinyon, walang angas, walang problema. Laging masaya.

Si Sage ang tuwang-tuwa, dahil pumunta kami sa tabing-dagat (Atlantic) at doon siya unang nakipagsapalaran sa mga naglalakihang alon.

SAGE: Dad, the ocean is so...big! The water, the water!

Gusto kong sabihin, "Anak, malaki ang lahat ng mga bagay dito sa America."

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home