Tuesday, November 22, 2005

piraso ng isang maikling dula: tagay-tagay

Image hosted by Photobucket.com
Tagpo
Sa roofdeck ng isang condominium sa Ortigas Center

Oras
Lampas alas onse ng gabi.

(Sa rooftop ng isang condominium. Mayroong isang mesa at limang upuan. Sa ibabaw ng mesa ay mga plastic cups, mga bag ng potato chips, bote ng beer at ibang inumin. Nagiisang umiinom si WINSTON. Pagkatapos ng ilang sandali, papasok si JOSHUA, na may dalang knapsack at mga shopping bag na may tatak "Duty Free".)

JOSHUA
Winston?

WINSTON
Joshua? Ikaw ba yan?

JOSHUA
Oo.

WINSTON
Pare! Akala naming di ka na darating!

JOSHUA
Na-delay yung flight ko, sorry, sorry. Kanina pa kayo?

WINSTON
Hindi naman. Medyo. Ay, sorry, ha? Sinimulan na namin. Teka, anong gusto mo?

JOSHUA
Kahit ano. Anong meron?

(Naglalabas ng bote ng alak mula sa kanyang Duty Free bag.)

WINSTON
Gin, vodka, beer…

JOSHUA
O, eto.

WINSTON
Ano to?

JOSHUA
Merlot. Masarap yan. May apat pa ako dito.

WINSTON
Wow, okey to, a. Mukhang mahal. Syempre, ikaw pa.

JOSHUA
Di naman. Okey lang. Nasaan sila?

WINSTON
Si Eileen nag-CR lang. Doon banda sa may pool. Si Dennis bumaba, kumuha ng ice sa unit niya. San Mig o hard?

JOSHUA
Beer muna.

(Iaabot ni WINSTON ang isang bote ng beer kay JOSHUA.)

JOSHUA
Uy, ano to?

WINSTON
Strong Ice. Okey yan.

JOSHUA
Wala pa nito sa Hong Kong. O, tagay.

WINSTON
Tagay.

(Iinom sila.)

WINSTON
Alam mo, pare, halos hindi kita namukhaan kanina. Ibang-iba ang itsura mo. Ang laki mo na, a!

JOSHUA
Di naman.

WINSTON
Serosyo, pare. Para kang bouncer. Gym, ano?

JOSHUA
Konti. Walang masyadong magawa kasi pagtapos ng trabaho. Wala akong masyadong kaibigan doon. Kaya, eto.

WINSTON
So binuhos mo ang sama ng loob sa gym.

JOSHUA
Parang ganon na nga.

WINSTON
Tagay!

JOSHUA
Tagay!

(Iinom sila at tatawa.)

WINSTON
Naku, mashashock si Eileen. Pero okey, okey lang. Bagay sa yo.

JOSHUA
Salamat. O, kamusta ka na?

WINSTON
Eto, medyo lasing na. Tagay!

JOSHUA
Tagay!

WINSTON
Tagay!

(Iinom sila at tatawa.)


WINSTON
Wala, ganon pa rin. Mahina negosyo. Patay ang web design. Di tulad ng dati.

JOSHUA
Hmm?

WINSTON
Mga freelancer kasi, pare. Mga gagong freelancer. Yung mga kalaban sa bidding. Biruin mo, minsan, may project dyan sa Galleria. Teka, alam mo bang kita mo ang Gale dito?

JOSHUA
Talaga? Siguro nga.

WINSTON
Kita mo. Halika, halika, doon banda.

JOSHUA
Okey lang. I believe you.

WINSTON
Hindi, dyan lang, o. Kung tumayo ka doon, nakikita mo. Pati yung hotel. Pati Megamall.

JOSHUA
Sige, sige. Tapusin mo yung kwento mo.

WINSTON
Sorry, sorry. Tagay muna!

JOSHUA
Tagay!

(Iinom sila at tatawa.)

JOSHUA
O, yung kwento mo?

WINSTON
Kwento ko, kwento ko. A, medyo okey yung project, hindi gaanong malaki. Anyway, ang bid ko, 60 thousand, maliit lang naman na website, di ba?

JOSHUA
E, si freelancer?

WINSTON
Si hinayupak na freelancer? Hulaan mo.

JOSHUA
Um, 40?

WINSTON
Baba.

JOSHUA
Trenta?

WINSTON
Baba pa.

JOSHUA
15 thousand?

WINSTON
Sampung libo! Can you imagine?

JOSHUA
Shit.

WINSTON
Shit talaga! Paano ka naman lalaban sag anon, di ba? Impossible!

JOSHUA
Di ba bawal yun?

WINSTON
Dapat bawal! E, hindi man lang sila kompanya.

JOSHUA
Shit.

WINSTON
Shit talaga.

(Iinom sila. Papasok si EILEEN. Tatayo si WINSTON.)


WINSTON
Eileen! You'll never guess who this is!

EILEEN
Ha?

WINSTON
Hulaan mo kung sino to!

EILEEN
Ha? Ewan.

WINSTON
See? I told you, man.

(Tatawa si WINSTON at JOSHUA)

EILEEN
Hi, I don't know you at lasing na tong boyfriend ko. I'm Eileen, friend ka ba ni Dennis? Cute ka.

(Tatawa silang lahat.)


JOSHUA
It's me, Joshua.

EILEEN
Ha?

WINSTON
O, sabi ko sa yo, hindi ba?

EILEEN
Joshua?

JOSHUA
Oo.

EILEEN
Joshua?

JOSHUA (tatawa)
Oo.

EILEEN
Ay, PO-tang ina mo, bakla! Ang ganda mo!

(Yayakap sila.)

JOSHUA
Salamat.

EILEEN
Di nga! Ang juicy juicy mo! Diyos ko! Crushable ka sa itsura mong yan! Paano ka lumaking ganyan? Anong kinakain mo sa Hong Kong? Siguro nagstesteroids ka, ano?

JOSHUA
Hindi, a! Lungkot at exercise lang.

EILEEN
Really? (kay Winston) Hoy, jowa, asan ang drinks ko?

(Iaabot ni WINSTON ang isang bao kay EILEEN.)

EILEEN
Kampai!

WINSTON at JOSHUA
Tagay!

(Iinom sila at tatawa.)

EILEEN
Syet talaga. Para kang Masculado.

WINSTON
Paano naman niya malalaman kung sino yung mga Masculado? E ilang taon na siya sa-

EILEEN
Shaddap.

WINSTON
Honey, he can't-

EILEEN
Shaddup.

JOSHUA
Actually, kilala ko kung sino sila.

EILEEN
See?

WINSTON
Talaga? Paano?

JOSHUA
Hindi naman ibang planeta doon, no? Tatlong dura at walong yosi lang ang distanya ng Manila sa Hong Kong. At may internet naman.

WINSTON
Ha?

EILEEN
Winston, shaddup. Wag mo nang subukang intidihin. All he means is he's never too far away, di ba?

JOSHUA
Exactly.

EILEEN
Ubos na ito. Give me a drink and hurry now, you!

JOSHUA
Tagay!

EILEEN
Teka, kita mo namang wala akong hawak no? Hoy, bilisan mo!

JOSHUA
Sorry, sorry.

WINSTON
Sorry.

EILEEN
I forgive you and I ask the same of you. O, di ba, "I'm only human"? O, tawa naman dyan!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home