Tuesday, August 16, 2005

IV. Rosang Taba and her father converse (3)

“Bakit mo ginawa iyon?”

“Hindi ko po masikmura ang mga sinasabi niya. Tinawag niya tayong mga hayop!”

“Bigkas-hangin lamang iyon.”

“Hindi po tayo hayop! Hindi po tama na tawagin nila tayong ganoon, na parang mas mababa sa kanila.”

“Rosa! Hindi mo ba naiintindihan ang nagawa mo? Hindi mo ba kilala kung sino ang napili mong-”

“Kilala ko po, Tatay. Kilala ko po.”

“Hindi ko ipinagkakaila sa iyo na magsabi ng nilalaman ng puso mo, nguni’t… paano-?”

“Mayroon po akong naisip na paraan.”

“Karera…”

“Kung magawa po ko ito, kung manalo ako –”

“Sa tingin mo ba mapapalitan mo ang pagtingin nila sa Katao? Sa isip mo ba mababago mo ang pagiisip nila?”

“Kung hindi ko po subukan-”

“Kung matalo ka-”

“Kung manalo po ako? Tulad ng mga bayani sa mga kuwento mo?

“Hindi ito kuwento, Rosa! Alam mo ba kung ano ang nakataya?”

“Opo. Ang pagkatao ko.”




___
(3) Caridad Soriano-Cortijos, Pangako: Mga Dulang May Isang Yugto, trans. Jose Jimenez Magallanes (Diuata House, 1826)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home