Saturday, August 09, 2003

parang hotdog

Sa buong buhay ko ngayon lamang ako inihambing sa hotdog (at hindi lang ako, pati na rin si Zach at si Budjette). Nais kong maintindihan, El, kung bakit ito ang napili mong metapora. Dahil ba kami'y malambot, makatas at masarap (and pulang-pula) parang Purefoods Hotdog? Hmmm (ika nga ni Carl)...

Inimbita kaming tatlo ng Comic Collective (ng Ateneo) at ng UP Grail na magsalita tungkol sa pagsulat ng komiks sa ika-16 nitong buwan. Dumalo kayo kung gusto ninyong matuwa dahil siguradong kakaiba ang mapapanood ninyo (malaking pagkakamali ang ilagay kaming tatlo sa isang kwarto - wala sa aming pakimi-kimi).

Pero sa totoo, malaking karangalan para sa amin ang magsalita tungkol sa mga bagay-bagay na nalalapit sa aming mga puso.

Salamat - at ubos na ang Tagalog ko.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home