Sunday, June 06, 2004

bigotillo



Alam niyo namang ilang taon na din akong makinis ang ulo, semikal ang gupit at walang balbas o bigote. Nagsimula yan nung lumipat ako sa Hong Kong at namahalan masyado sa mga pagupitan doon, kaya naisip kong magpashave nalang ng ulo para di ganon kadalas magpagupit. Paguwi ko sa Manila, biglang uso pala ang kalbo. Ang dami tuloy naming mukhang takas sa bilibid o sa ROTC.

Nasanay din ko (pero sa umpisa feeling hubad ang ulo ko, damang-dama ang bawa't ihip ng hangin) at alam mo naman ang tao, kapag may nakasanayan na, mahirap magbago.

Ngayon, susubukan kong magpahaba uli ng buhok (bago ako kinasal, mahaba talaga ang buhok ko, tawag nga ng iba sa akin ay "si ponytail"). Wala lang, para maiba naman. Kung hindi kayanin ng pasenya ko, e di tabas nanaman.

Tatry ko ding magpatubo ng balbas at bigote. Noon ko pa ambisyon yan, pero akala ko hindi kaya ng buhok ko (manipis kasi at wala namang balbon sa pamilya) kaya shave ako ng shave. Pero sabi sa akin ng aking barberong si Raul ay kaya naman daw. So sige, tingnan natin. Nababagalan lang ako sa paglago nito. At madalas, gusto kong i-shave dahil sanay ako sa malinis. Pagmagsawa ako sa kahinhintay, balik kinis ako.

At habang naghihintay, mukha akong sanggalo ng Sigue Sigue Sputnik gang, haha. Medyo astig sa mga taxi driver kasi mukha akong barumbado.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home